Zacarias 10

Humiling kayo sa Panginoon ng ulan sa panahon ng tagsibol, sapagkat siya ang gumagawa ng mga ulap. Binibigyan niya ng ulan ang mga tao at ang bawat tanim sa parang.

Zechariah 10:1 (UKJV) Ask all of you of the LORD rain in the time of the latter rain; so the LORD shall make bright clouds, and give them showers of rain, to every one grass in the field.

1Humiling kayo sa Panginoon ng ulan sa panahon ng tagsibol, sapagkat siya ang gumagawa ng mga ulap. Binibigyan niya ng ulan ang mga tao at ang bawat tanim sa parang.

2Ang mga diyos-diyosan ay nagsasalita nang mapanlinlang; ang mga manghuhulaʼy bulaan ang pangitain, ang mga panaginip na kanilang sinasabiʼy pawang kasinungalingan, ang aliw na ibinibigay ay walang kahulugan. Kaya ang mga taoʼy lumalaboy tulad ng tupa, dahil walang pastol silaʼy nagdurusa.

3Sinabi ng Panginoon, “Galit na galit ako sa mga namumuno sa aking mga mamamayan. Talagang parurusahan ko sila. Sapagkat aalalahanin ng Panginoon ng mga Hukbo ang kanyang kawan, ang mga mamamayan ng Juda. Gagawin ko silang tulad ng mga kabayong matagumpay sa digmaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.