10Pauuwiin ko sila mula sa Ehipto at Asiria, at patitirahin ko sila sa Gilead at Lebanon. Magiging masikip sila sa kanilang lupain.
11Tatawid sila sa dagat na maalon ngunit magiging payapa ang mga alon. At kahit ang Ilog ng Nilo ay matutuyo. Ang ipinagmamalaki ng Asiria ay babagsak at ang kapangyarihan ng Ehipto ay mawawala.
12Palalakasin ko ang aking mga mamamayan dahil nasa akin sila, at susundin nila ako saan man sila magpunta,” sabi ng Panginoon.