15Sinabing muli ng Panginoon sa akin, “Magkunwari kang isang walang kuwentang pastol ng mga tupa.
16Sapagkat may ilalagay akong isang pastol sa lupaing ito na hindi aalalahanin ang mga naghihingalo, o hahanapin ang mga nawawala, o gagamutin ang mga sugatan, o pakakainin ang malulusog. Sa halip, kakainin niya ang karne ng matatabang tupa at bubunutin ang mga kuko ng mga ito.
17Kahabag-habag ang walang kuwentang pastol, na nagpabaya sa mga tupa! Nawaʼy putulin ng espada ang kanyang kamay at tusukin nito ang kanyang kanang mata! Nawaʼy lubusang matuyot ang kanyang kamay at tuluyang mabulag ang kanyang kanang mata.”