Zacarias 12

Ito ang pahayag ng Panginoon tungkol sa Israel. Ako na Panginoon na gumawa ng langit at ng lupa, at ako na nagbibigay ng buhay sa tao ay nagsasabi:

Zechariah 12:1 (UKJV) The burden of the word of the LORD for Israel, says the LORD, which stretches forth the heavens, and lays the foundation of the earth, and forms the spirit of man within him.

1Ito ang pahayag ng Panginoon tungkol sa Israel. Ako na Panginoon na gumawa ng langit at ng lupa, at ako na nagbibigay ng buhay sa tao ay nagsasabi:

2“Ang Jerusalem ay gagawin kong parang alak na magpapalasing sa mga bansang nakapalibot dito. At kapag sinalakay nila ang Jerusalem, sasalakayin din nila ang ibang lungsod ng Juda.

3Sa araw na iyon, gagawin kong parang mabigat na bato ang Jerusalem, at ang alinmang bansa na gagalaw dito ay masasaktan. Ang lahat ng bansa sa buong mundo ay magtitipon para salakayin ang Jerusalem.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.