Zacarias 11

Kinakatay sila ng mga bumibili sa kanila at hindi napaparusahan ang mga ito. Ang mga nagtitinda naman sa kanila ay nagsasabi, ‘Purihin ang Panginoon! Mayaman na ako!’ Pati ang kanilang mga pastol ay hindi naaawa sa kanila.

Zechariah 11:5 (UKJV) Whose possessors slay them, and hold themselves not guilty: and they that sell them say, Blessed be the LORD; for I am rich: and their own shepherds pity them not.

3Umiiyak ang mga pastol dahil nasira ang kanilang berdeng pastulan. Pati ang mga leon ay umaatungal dahil nasira ang lambak ng Jordan na kanilang tinitirhan.

4Ito ang sinabi ng Panginoon kong Diyos: “Alagaan mo ang mga tupang kakatayin.

5Kinakatay sila ng mga bumibili sa kanila at hindi napaparusahan ang mga ito. Ang mga nagtitinda naman sa kanila ay nagsasabi, ‘Purihin ang Panginoon! Mayaman na ako!’ Pati ang kanilang mga pastol ay hindi naaawa sa kanila.

6Sapagkat hindi ko na rin kahahabagan ang mga nakatira sa lupaing ito,” sabi ng Panginoon. “Ipapaubaya ko ang bawat tao sa kamay ng kanyang kapwa at ng kanyang hari. Ipapahamak nila ang lupaing ito, at hindi ko ito ililigtas sa kanilang mga kamay.”

7Kaya inalagaan ko ang mga tupang kakatayin ng mga nagbebenta ng mga tupa. Kumuha ako ng dalawang tungkod; ang isa ay tinawag kong Kabutihan at ang isa naman ay tinawag kong Pagkakaisa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.