Zacarias 3

Pagkatapos, ibinilin ng anghel ng Panginoon kay Josue ang sinabi

Zechariah 3:6 (UKJV) And the angel of the LORD protested unto Joshua, saying,

4Kaya sinabi ng anghel sa iba pang mga anghel na nakatayo sa harapan ni Josue, “Hubarin ninyo ang kanyang maruming damit.” Pagkatapos, sinabi ng anghel kay Josue, “Inalis ko na ang iyong mga kasalanan. Ngayon, bibihisan kita ng bagong damit.”

5At sinabi ko, “Suotan din ninyo siya ng malinis na turban sa ulo.” Kaya binihisan nila siya ng bagong damit at nilagyan ng malinis na turban habang nakatayo at nakatingin ang anghel ng Panginoon.

6Pagkatapos, ibinilin ng anghel ng Panginoon kay Josue ang sinabi

7ng Panginoon ng mga Hukbo: “Kung susunod ka sa akin at gagawin ang aking mga iniuutos, ikaw ang mamamahala sa aking templo at sa mga bakuran nito. At papayagan kitang lumapit sa aking harapan kasama ng mga nakatayo rito.

8“Ngayon, makinig ka, Josue na punong pari: Ikaw at ang mga kapwa mo pari ay larawan ng mga darating na pangyayari. Dadalhin ko ang aking lingkod, ang tinatawag na Sanga.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.