Zacarias 3

ng Panginoon ng mga Hukbo: “Kung susunod ka sa akin at gagawin ang aking mga iniuutos, ikaw ang mamamahala sa aking templo at sa mga bakuran nito. At papayagan kitang lumapit sa aking harapan kasama ng mga nakatayo rito.

Zechariah 3:7 (UKJV) Thus says the LORD of hosts; If you will walk in my ways, and if you will keep my charge, then you shall also judge my house, and shall also keep my courts, and I will give you places to walk among these that stand by.

5At sinabi ko, “Suotan din ninyo siya ng malinis na turban sa ulo.” Kaya binihisan nila siya ng bagong damit at nilagyan ng malinis na turban habang nakatayo at nakatingin ang anghel ng Panginoon.

6Pagkatapos, ibinilin ng anghel ng Panginoon kay Josue ang sinabi

7ng Panginoon ng mga Hukbo: “Kung susunod ka sa akin at gagawin ang aking mga iniuutos, ikaw ang mamamahala sa aking templo at sa mga bakuran nito. At papayagan kitang lumapit sa aking harapan kasama ng mga nakatayo rito.

8“Ngayon, makinig ka, Josue na punong pari: Ikaw at ang mga kapwa mo pari ay larawan ng mga darating na pangyayari. Dadalhin ko ang aking lingkod, ang tinatawag na Sanga.

9Tingnan mo ang batong inilagay ko sa iyong harapan, mayroon itong pitong mata. Uukitan ko ito, at aalisin ang kasalanan ng lupain ng Israel sa loob lamang ng isang araw, sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.