Zacarias 3

“Ngayon, makinig ka, Josue na punong pari: Ikaw at ang mga kapwa mo pari ay larawan ng mga darating na pangyayari. Dadalhin ko ang aking lingkod, ang tinatawag na Sanga.

Zechariah 3:8 (UKJV) Hear now, O Joshua the high priest, you, and your fellows that sit before you: for they are men wondered at: for, behold, I will bring forth my servant the BRANCH.

6Pagkatapos, ibinilin ng anghel ng Panginoon kay Josue ang sinabi

7ng Panginoon ng mga Hukbo: “Kung susunod ka sa akin at gagawin ang aking mga iniuutos, ikaw ang mamamahala sa aking templo at sa mga bakuran nito. At papayagan kitang lumapit sa aking harapan kasama ng mga nakatayo rito.

8“Ngayon, makinig ka, Josue na punong pari: Ikaw at ang mga kapwa mo pari ay larawan ng mga darating na pangyayari. Dadalhin ko ang aking lingkod, ang tinatawag na Sanga.

9Tingnan mo ang batong inilagay ko sa iyong harapan, mayroon itong pitong mata. Uukitan ko ito, at aalisin ang kasalanan ng lupain ng Israel sa loob lamang ng isang araw, sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.

10“Sa araw na iyon, aanyayahan ng bawat isa sa inyo ang inyong mga kapitbahay na umupo sa ilalim ng inyong mga ubasan at puno ng igos. Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang nagsasabi nito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.