Zacarias 6

Dalhin mo ang pilak at ginto at ipagawa mong korona, at isuot mo ito sa ulo ng punong pari na si Josue na anak ni Josadac.

Zechariah 6:11 (UKJV) Then take silver and gold, and make crowns, and set them upon the head of Joshua the son of Josedech, the high priest;

9Sinabi ng Panginoon sa akin,

10“Kunin mo ang regalong pilak at ginto na dala nina Heldai, Tobias, at Jedaias, mga bihag na nagsibalik mula sa Babilonia. Pagkatapos, pumunta ka agad sa bahay ni Josias na anak ni Zefanias.

11Dalhin mo ang pilak at ginto at ipagawa mong korona, at isuot mo ito sa ulo ng punong pari na si Josue na anak ni Josadac.

12Sabihin mo sa kanya na ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ay nagsasabi, ‘Ang taong tinatawag na Sanga ay lalago sa kalagayan niya ngayon,

13at itatayo niyang muli ang Templo ng Panginoon. Pararangalan siya bilang hari at mamamahala siya. May paring tatayo sa tabi ng kanyang trono, at magkakaroon sila ng mabuting relasyon.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.