11Dalhin mo ang pilak at ginto at ipagawa mong korona, at isuot mo ito sa ulo ng punong pari na si Josue na anak ni Josadac.
12Sabihin mo sa kanya na ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ay nagsasabi, ‘Ang taong tinatawag na Sanga ay lalago sa kalagayan niya ngayon,
13at itatayo niyang muli ang Templo ng Panginoon. Pararangalan siya bilang hari at mamamahala siya. May paring tatayo sa tabi ng kanyang trono, at magkakaroon sila ng mabuting relasyon.’
14Ang korona ay ilalagay sa templo ng Panginoon bilang alaala kina Heldai, Tobias, Jedaias, at Josias na anak ni Zefanias.”
15May mga taong darating sa Israel mula sa malalayong lugar at tutulong sa pagpapatayo ng templo ng Panginoon. Kapag nangyari na ito, malalaman ninyo na ang Panginoong Makapangyarihan ang nagsugo sa akin sa inyo. At talagang mangyayari ang lahat ng ito kung susundin ninyong mabuti ang Panginoon na inyong Diyos.