Zacarias 6

May mga taong darating sa Israel mula sa malalayong lugar at tutulong sa pagpapatayo ng templo ng Panginoon. Kapag nangyari na ito, malalaman ninyo na ang Panginoong Makapangyarihan ang nagsugo sa akin sa inyo. At talagang mangyayari ang lahat ng ito kung susundin ninyong mabuti ang Panginoon na inyong Diyos.

Zechariah 6:15 (UKJV) And they that are far off shall come and build in the temple of the LORD, and all of you shall know that the LORD of hosts has sent me unto you. And this shall come to pass, if all of you will diligently obey the voice of the LORD your God.

13at itatayo niyang muli ang Templo ng Panginoon. Pararangalan siya bilang hari at mamamahala siya. May paring tatayo sa tabi ng kanyang trono, at magkakaroon sila ng mabuting relasyon.’

14Ang korona ay ilalagay sa templo ng Panginoon bilang alaala kina Heldai, Tobias, Jedaias, at Josias na anak ni Zefanias.”

15May mga taong darating sa Israel mula sa malalayong lugar at tutulong sa pagpapatayo ng templo ng Panginoon. Kapag nangyari na ito, malalaman ninyo na ang Panginoong Makapangyarihan ang nagsugo sa akin sa inyo. At talagang mangyayari ang lahat ng ito kung susundin ninyong mabuti ang Panginoon na inyong Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.