Zacarias 8

“Mapayapa kayong magtatanim. Magbubunga ang inyong mga tanim na ubas, aani ang inyong mga bukirin, at magkakaroon na ng hamog. Ibibigay ko ang lahat ng ito sa inyo na mga natira.

Zechariah 8:12 (UKJV) For the seed shall be prosperous; the vine shall give her fruit, and the ground shall give her increase, and the heavens shall give their dew; and I will cause the remnant of this people to possess all these things.

10Noong hindi pa sinisimulan ang muling pagpapatayo ng Templo, walang pambayad sa mga taong nagtatrabaho at pang-upa sa mga hayop na ginagamit sa pagtatrabaho, at mapanganib kahit saan dahil pinag-aaway-away ko ang mga tao.

11Ngunit ngayon, ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ay nagsasabi na hindi ko na gagawin iyan sa inyong mga natitira.

12“Mapayapa kayong magtatanim. Magbubunga ang inyong mga tanim na ubas, aani ang inyong mga bukirin, at magkakaroon na ng hamog. Ibibigay ko ang lahat ng ito sa inyo na mga natira.

13Mga taga-Juda at taga-Israel, kung nooʼy naging sumpa kayo sa ibang mga bansa, ngayoʼy ililigtas ko kayo at gagawing pagpapala. Kaya huwag kayong matakot; sa halip ay magpakatatag kayo.”

14Sinabi pa ng Panginoon ng mga Hukbo, “Noong ginalit ako ng inyong mga ninuno, napagpasyahan kong parusahan kayo at huwag kahabagan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.