Zacarias 8

Sinabi pa ng Panginoon ng mga Hukbo, “Noong ginalit ako ng inyong mga ninuno, napagpasyahan kong parusahan kayo at huwag kahabagan.

Zechariah 8:14 (UKJV) For thus says the LORD of hosts; As I thought to punish you, when your fathers provoked me to wrath, says the LORD of hosts, and I repented not:

12“Mapayapa kayong magtatanim. Magbubunga ang inyong mga tanim na ubas, aani ang inyong mga bukirin, at magkakaroon na ng hamog. Ibibigay ko ang lahat ng ito sa inyo na mga natira.

13Mga taga-Juda at taga-Israel, kung nooʼy naging sumpa kayo sa ibang mga bansa, ngayoʼy ililigtas ko kayo at gagawing pagpapala. Kaya huwag kayong matakot; sa halip ay magpakatatag kayo.”

14Sinabi pa ng Panginoon ng mga Hukbo, “Noong ginalit ako ng inyong mga ninuno, napagpasyahan kong parusahan kayo at huwag kahabagan.

15Ngunit ngayon, napagpasyahan ko na muling maging mabuti sa Jerusalem at Juda. Kaya huwag kayong matakot.

16Ito ang dapat ninyong gawin: Magsabi kayo ng totoo sa isaʼt isa. Humatol kayo nang tama sa inyong mga hukuman para sa ikabubuti ng lahat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.