14Sinabi pa ng Panginoon ng mga Hukbo, “Noong ginalit ako ng inyong mga ninuno, napagpasyahan kong parusahan kayo at huwag kahabagan.
15Ngunit ngayon, napagpasyahan ko na muling maging mabuti sa Jerusalem at Juda. Kaya huwag kayong matakot.
16Ito ang dapat ninyong gawin: Magsabi kayo ng totoo sa isaʼt isa. Humatol kayo nang tama sa inyong mga hukuman para sa ikabubuti ng lahat.
17Huwag kayong magbalak ng masama laban sa inyong kapwa, at huwag kayong susumpa ng kasinungalingan dahil ang lahat ng iyan ay aking kinapopootan.”
18Nagpahayag ang Panginoon ng mga Hukbo kay Zacarias.