Zacarias 8

Ngunit ngayon, napagpasyahan ko na muling maging mabuti sa Jerusalem at Juda. Kaya huwag kayong matakot.

Zechariah 8:15 (UKJV) So again have I thought in these days to do well unto Jerusalem and to the house of Judah: fear all of you not.

13Mga taga-Juda at taga-Israel, kung nooʼy naging sumpa kayo sa ibang mga bansa, ngayoʼy ililigtas ko kayo at gagawing pagpapala. Kaya huwag kayong matakot; sa halip ay magpakatatag kayo.”

14Sinabi pa ng Panginoon ng mga Hukbo, “Noong ginalit ako ng inyong mga ninuno, napagpasyahan kong parusahan kayo at huwag kahabagan.

15Ngunit ngayon, napagpasyahan ko na muling maging mabuti sa Jerusalem at Juda. Kaya huwag kayong matakot.

16Ito ang dapat ninyong gawin: Magsabi kayo ng totoo sa isaʼt isa. Humatol kayo nang tama sa inyong mga hukuman para sa ikabubuti ng lahat.

17Huwag kayong magbalak ng masama laban sa inyong kapwa, at huwag kayong susumpa ng kasinungalingan dahil ang lahat ng iyan ay aking kinapopootan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.