Zacarias 8

Ngunit ngayon, ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ay nagsasabi na hindi ko na gagawin iyan sa inyong mga natitira.

Zechariah 8:11 (UKJV) But now I will not be unto the residue of this people as in the former days, says the LORD of hosts.

9Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon, “Ang mga mensaheng ito ay sinabi rin ng mga propeta noong itinayong muli ang pundasyon ng aking templo. At ngayong napakinggan ninyo itong muli, magpakatatag kayo upang matapos ninyo ang pagpapatayo ng templo.

10Noong hindi pa sinisimulan ang muling pagpapatayo ng Templo, walang pambayad sa mga taong nagtatrabaho at pang-upa sa mga hayop na ginagamit sa pagtatrabaho, at mapanganib kahit saan dahil pinag-aaway-away ko ang mga tao.

11Ngunit ngayon, ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ay nagsasabi na hindi ko na gagawin iyan sa inyong mga natitira.

12“Mapayapa kayong magtatanim. Magbubunga ang inyong mga tanim na ubas, aani ang inyong mga bukirin, at magkakaroon na ng hamog. Ibibigay ko ang lahat ng ito sa inyo na mga natira.

13Mga taga-Juda at taga-Israel, kung nooʼy naging sumpa kayo sa ibang mga bansa, ngayoʼy ililigtas ko kayo at gagawing pagpapala. Kaya huwag kayong matakot; sa halip ay magpakatatag kayo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.