Zacarias 8

Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: “Mauupong muli sa mga plasa ng Jerusalem ang matatandang nakatungkod dahil sa katandaan.

Zechariah 8:4 (UKJV) Thus says the LORD of hosts; There shall yet old men and old women dwell in the streets of Jerusalem, and every man with his staff in his hand for very age.

2“Labis ang aking pagmamalasakit sa Zion. At dahil sa labis kong pagmamalasakit, matindi ang galit ko sa mga kaaway nito.

3“Babalik ako sa Zion, ang lungsod ng Jerusalem, at maninirahan doon. Ang Jerusalem ay tatawaging Tapat na Lungsod at ang bundok ng Panginoon ng mga Hukbo ay tatawaging Banal na Bundok.”

4Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: “Mauupong muli sa mga plasa ng Jerusalem ang matatandang nakatungkod dahil sa katandaan.

5At mapupuno ang mga plasa sa lungsod ng mga batang naglalaro.”

6Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon, “Maaaring imposible itong mangyari sa isip ng mga natitira kong mga mamamayan, pero hindi ito imposible sa akin,” pahayag ng Panginoon ng mga Hukbo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.