11At sa inyo naman, dahil sa aking kasunduang pinagtibay ng dugo, palalayain ko kayo sa pagkakakulong sa balong walang tubig.
12Kayong mga binihag na umaasang mapalaya, bumalik na kayo sa inyong mga lugar kung saan ligtas kayo. Sinasabi ko ngayon sa inyo na ibabalik ko nang doble ang mga nawala sa inyo.
13Gagamitin kong parang pana ang Juda at parang palaso ang Efraim. Gagawin kong parang espada ng kawal ang mga taga-Zion, at lilipulin nila ang mga taga-Gresya.”
14Magpapakita ang Panginoon sa itaas ng kanyang mga mamamayan. Ang kanyang panaʼy kikislap tulad ng kidlat. Patutunugin ng Makapangyarihang Panginoon ang trumpeta; at darating siyang kasama ng bagyong mula sa timog.
15Iingatan sila ng Panginoon ng mga Hukbo. Lulusubin nila ang kanilang mga kaaway gamit ang mga batong pantirador, at silaʼy magtatagumpay. Mag-iinuman sila at magsisigawan na parang mga lasing. Mabubusog sila katulad ng mangkok na punong-puno ng dugo, at ibinuhos sa mga sulok ng altar.