14Magpapakita ang Panginoon sa itaas ng kanyang mga mamamayan. Ang kanyang panaʼy kikislap tulad ng kidlat. Patutunugin ng Makapangyarihang Panginoon ang trumpeta; at darating siyang kasama ng bagyong mula sa timog.
15Iingatan sila ng Panginoon ng mga Hukbo. Lulusubin nila ang kanilang mga kaaway gamit ang mga batong pantirador, at silaʼy magtatagumpay. Mag-iinuman sila at magsisigawan na parang mga lasing. Mabubusog sila katulad ng mangkok na punong-puno ng dugo, at ibinuhos sa mga sulok ng altar.
16Ililigtas sila ng Panginoon na kanilang Diyos sa araw na iyon bilang kanyang kawan. Magniningning sila sa lupain katulad ng mga mamahaling batong kumikislap sa korona.
17Silaʼy magiging kabigha-bighani at napakaganda! Ang mga binataʼy lalakas dahil sa saganang butil at ang mga dalagaʼy yayabong dahil sa matatamis na alak.