Zacarias 9

Parurusahan din ng Panginoon ang Hamat na malapit sa mga lungsod ng Hadrac at Damasco, pati na ang lungsod ng Tiro at Sidon, kahit pa napakahusay ng mga mamamayan nito.

Zechariah 9:2 (UKJV) And Hamath also shall border thereby; Tyrus, and Zidon, though it be very wise.

1Ito ang pahayag ng Panginoon: Sinabi ng Panginoon na parurusahan niya ang mga lungsod ng Hadrac at Damasco, dahil ang lahat ng tao ay dapat sa kanya, lalo na ang mga lahi ng Israel.

2Parurusahan din ng Panginoon ang Hamat na malapit sa mga lungsod ng Hadrac at Damasco, pati na ang lungsod ng Tiro at Sidon, kahit pa napakahusay ng mga mamamayan nito.

3Ang mga taga-Tiro ay nagpatayo ng matitibay na pader at nag-ipon ng maraming pilak at ginto na para bang nagtatambak lang ng lupa.

4Ngunit kukunin ng Panginoon ang kanilang mga ari-arian at itatapon niya sa dagat ang kanilang mga kayamanan. At ang kanilang lungsod ay tutupukin ng apoy.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.