Zefanias 1

ang mga tao, hayop, ibon at isda. Mawawala ang lahat ng nag-uudyok sa tao para magkasala pati ang mga makasalanan. “Lilipulin ko nga ang lahat ng tao sa mundo. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

Zephaniah 1:3 (UKJV) I will consume man and beast; I will consume the fowls of the heaven, and the fishes of the sea, and the stumbling blocks with the wicked: and I will cut off man from off the land, says the LORD.

1Ito ang salita ng Panginoon na ipinahayag niya kay Zefanias noong si Josias na anak ni Amon ang hari ng Juda. Si Zefanias ay anak ni Cusi na anak ni Gedalias. Si Gedalias naman ay anak ni Amaria na anak ni Ezequias.

2Sinabi ng Panginoon, “Lilipulin ko ang lahat ng bagay na nasa mundo,

3ang mga tao, hayop, ibon at isda. Mawawala ang lahat ng nag-uudyok sa tao para magkasala pati ang mga makasalanan. “Lilipulin ko nga ang lahat ng tao sa mundo. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

4Parurusahan ko ang mga mamamayan ng Juda, pati na ang lahat ng mamamayan ng Jerusalem. Lilipulin ko ang mga natitirang sumasamba sa diyos-diyosang si Baal pati na ang mga paring naglilingkod dito, upang tuluyan na silang makalimutan.

5Lilipulin ko rin ang mga taong umaakyat sa bubong ng kanilang bahay para sumamba sa araw, sa buwan at mga bituin. Lilipulin ko ang mga sumasamba at sumusumpang maglilingkod sa Panginoon, pero sumusumpa ring maglilingkod sa diyos-diyosang si Molec.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.