Zefanias 1

Lilipulin ko rin ang mga taong umaakyat sa bubong ng kanilang bahay para sumamba sa araw, sa buwan at mga bituin. Lilipulin ko ang mga sumasamba at sumusumpang maglilingkod sa Panginoon, pero sumusumpa ring maglilingkod sa diyos-diyosang si Molec.

Zephaniah 1:5 (UKJV) And them that worship the host of heaven upon the housetops; and them that worship and that swear by the LORD, and that swear by Malcham;

3ang mga tao, hayop, ibon at isda. Mawawala ang lahat ng nag-uudyok sa tao para magkasala pati ang mga makasalanan. “Lilipulin ko nga ang lahat ng tao sa mundo. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

4Parurusahan ko ang mga mamamayan ng Juda, pati na ang lahat ng mamamayan ng Jerusalem. Lilipulin ko ang mga natitirang sumasamba sa diyos-diyosang si Baal pati na ang mga paring naglilingkod dito, upang tuluyan na silang makalimutan.

5Lilipulin ko rin ang mga taong umaakyat sa bubong ng kanilang bahay para sumamba sa araw, sa buwan at mga bituin. Lilipulin ko ang mga sumasamba at sumusumpang maglilingkod sa Panginoon, pero sumusumpa ring maglilingkod sa diyos-diyosang si Molec.

6Lilipulin ang mga tumatalikod at hindi dumudulog sa Panginoon.”

7Tumahimik kayo sa harapan ng Makapangyarihang Panginoon, dahil malapit na ang araw ng aking paghatol. Inihanda ko na ang aking mga mamamayan para patayin tulad ng hayop na ihahandog. Pinili ko na ang mga kalaban na tinawag ko na sasalakay sa Juda.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.