4Parurusahan ko ang mga mamamayan ng Juda, pati na ang lahat ng mamamayan ng Jerusalem. Lilipulin ko ang mga natitirang sumasamba sa diyos-diyosang si Baal pati na ang mga paring naglilingkod dito, upang tuluyan na silang makalimutan.
5Lilipulin ko rin ang mga taong umaakyat sa bubong ng kanilang bahay para sumamba sa araw, sa buwan at mga bituin. Lilipulin ko ang mga sumasamba at sumusumpang maglilingkod sa Panginoon, pero sumusumpa ring maglilingkod sa diyos-diyosang si Molec.
6Lilipulin ang mga tumatalikod at hindi dumudulog sa Panginoon.”
7Tumahimik kayo sa harapan ng Makapangyarihang Panginoon, dahil malapit na ang araw ng aking paghatol. Inihanda ko na ang aking mga mamamayan para patayin tulad ng hayop na ihahandog. Pinili ko na ang mga kalaban na tinawag ko na sasalakay sa Juda.
8Sa araw ng paghahandog para sa Panginoon, parurusahan ko ang mga pinuno at ang mga anak ng hari pati silang mga nakadamit banyaga.