Zefanias 1

Tumahimik kayo sa harapan ng Makapangyarihang Panginoon, dahil malapit na ang araw ng aking paghatol. Inihanda ko na ang aking mga mamamayan para patayin tulad ng hayop na ihahandog. Pinili ko na ang mga kalaban na tinawag ko na sasalakay sa Juda.

Zephaniah 1:7 (UKJV) Hold your peace at the presence of the Lord GOD: for the day of the LORD is at hand: for the LORD has prepared a sacrifice, he has bid his guest.

5Lilipulin ko rin ang mga taong umaakyat sa bubong ng kanilang bahay para sumamba sa araw, sa buwan at mga bituin. Lilipulin ko ang mga sumasamba at sumusumpang maglilingkod sa Panginoon, pero sumusumpa ring maglilingkod sa diyos-diyosang si Molec.

6Lilipulin ang mga tumatalikod at hindi dumudulog sa Panginoon.”

7Tumahimik kayo sa harapan ng Makapangyarihang Panginoon, dahil malapit na ang araw ng aking paghatol. Inihanda ko na ang aking mga mamamayan para patayin tulad ng hayop na ihahandog. Pinili ko na ang mga kalaban na tinawag ko na sasalakay sa Juda.

8Sa araw ng paghahandog para sa Panginoon, parurusahan ko ang mga pinuno at ang mga anak ng hari pati silang mga nakadamit banyaga.

9Parurusahan ko rin sa araw na iyon ang lahat ng sumasali sa mga seremonya ng mga diyos-diyosan at silang mga nagpupuno sa templo ng kanilang diyos ng kalupitan at pandaraya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.