18Sinabi ng Panginoon, “Titipunin ko kayong mga naghihinagpis dahil sa kapistahan. Ililigtas ko kayo sa kasawian para hindi na kayo malagay sa kahihiyan.
19Sa araw na iyon, parurusahan ko ang lahat ng umaapi sa inyo. Kayoʼy parang mga tupang napilay at pinaghiwa-hiwalay, ngunit ililigtas ko kayo at titipuning muli. Inilagay kayo sa kahihiyan noon, ngunit kayoʼy pararangalan ko at gagawing tanyag sa buong mundo.
20Oo, titipunin ko kayo sa araw na iyon at pauuwiin ko kayo sa inyong bansa. Pararangalan ko kayo at gagawing tanyag sa buong mundo sa araw na panumbalikin ko ang inyong mabuting kalagayan at masasaksihan ninyo itong mangyari sa inyong harapan,” sabi ng Panginoon.