1 Mga Cronica 12

Tinawid nila ang Ilog Jordan nang unang buwan ng taon, ang panahong umaapaw ang tubig nito, at itinaboy nila ang lahat ng nakatira sa mga lambak ng silangan at kanluran ng ilog.

1 Chronicles 12:15 (UKJV) These are they that went over Jordan in the first month, when it had overflowed all his banks; and they put to flight all them of the valleys, both toward the east, and toward the west.

13si Jeremias ang pangsampu, at si Macbanai ang panglabing-isa.

14Sila ang lahi ni Gad na mga kumander ng mga sundalo. Ang pinakamahina sa kanila ay makakapamahala ng isang daang sundalo, at ang pinakamalakas ay makakapamahala ng isang libong sundalo.

15Tinawid nila ang Ilog Jordan nang unang buwan ng taon, ang panahong umaapaw ang tubig nito, at itinaboy nila ang lahat ng nakatira sa mga lambak ng silangan at kanluran ng ilog.

16May mga tao ring nagmula sa mga lahi nina Benjamin at Juda na pumunta kay David doon sa pinagkukutaan niya.

17Lumabas si David para salubungin sila at sinabi, “Kung pumunta kayo rito upang tumulong sa akin bilang kaibigan, tinatanggap ko kayo na sumáma sa amin. Ngunit kung pumunta kayo rito upang ibigay ako sa aking mga kalaban kahit wala akong kasalanan, sanaʼy makita ito ng Diyos ng ating mga ninuno at parusahan niya kayo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.