1 Mga Cronica 12

Pagkatapos, pinuspos ng Espiritu si Amasai na pinuno ng Tatlumpu, at sinabi niya, “Kami po ay sa inyo, O David na anak ni Jesse! Magtagumpay sana kayo at ang mga tumutulong sa inyo, dahil ang Diyos ninyo ang tumutulong sa inyo.” Kaya tinanggap sila ni David at ginawang opisyal ng mga sundalo niya.

1 Chronicles 12:18 (UKJV) Then the spirit came upon Amasai, who was chief of the captains, and he said, Yours are we, David, and on your side, you son of Jesse: peace, peace be unto you, and peace be to yours helpers; for your God helps you. Then David received them, and made them captains of the band.

16May mga tao ring nagmula sa mga lahi nina Benjamin at Juda na pumunta kay David doon sa pinagkukutaan niya.

17Lumabas si David para salubungin sila at sinabi, “Kung pumunta kayo rito upang tumulong sa akin bilang kaibigan, tinatanggap ko kayo na sumáma sa amin. Ngunit kung pumunta kayo rito upang ibigay ako sa aking mga kalaban kahit wala akong kasalanan, sanaʼy makita ito ng Diyos ng ating mga ninuno at parusahan niya kayo.”

18Pagkatapos, pinuspos ng Espiritu si Amasai na pinuno ng Tatlumpu, at sinabi niya, “Kami po ay sa inyo, O David na anak ni Jesse! Magtagumpay sana kayo at ang mga tumutulong sa inyo, dahil ang Diyos ninyo ang tumutulong sa inyo.” Kaya tinanggap sila ni David at ginawang opisyal ng mga sundalo niya.

19May mga tao rin na mula sa lahi ni Manases ang sumáma kay David nang pumunta siya sa mga Filisteo upang makipaglaban kay Saul. Ngunit hindi pumayag ang mga Filisteo na sumáma si David at ang mga tauhan niya, dahil iniisip nila na baka muling pumanig si David sa amo niyang si Saul. Kaya pagkatapos nilang mag-usap, pinabalik nila si David.

20Ito ang mga tao na mula sa lahi ni Manases na sumáma kay David sa Ziklag: sina Adna, Jozabad, Jediael, Micael, Jozabad, Elihu at Ziletai. Bawat isa sa kanilaʼy pinuno ng isang libong sundalo sa lahi ni Manases.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.