20Nagpalipat-lipat sila sa mga bansa at mga kaharian.
21Ngunit hindi pinahintulutan ng Diyos na apihin sila. Bilang proteksyon sa kanila ay sinaway niya ang mga hari.
22Sinabi niya sa kanila, “Huwag ninyong galawin ang hinirang kong mga lingkod, huwag ninyong saktan ang aking mga propeta.”
23Kayong mga tao sa buong mundo, umawit kayo sa Panginoon. Ipahayag ninyo sa bawat araw ang tungkol sa pagliligtas niya sa atin.
24Ipahayag ninyo sa lahat ng tao sa mga bansa ang kanyang kapangyarihan at kahanga-hangang mga gawa.