34Walang anak na lalaki si Sesan kundi puro babae. May alipin siyang Ehipsiyo na ang pangalan ay Jarha.
35Ibinigay ni Sesan ang anak niyang babae kay Jarha bilang asawa. Nagkaanak sila na ang pangalan ay Atai.
36Si Atai ang ama ni Natan. Si Natan ang ama ni Zabad.
37Si Zabad naman ang ama ni Eflal. Si Eflal ang ama ni Obed.
38Si Obed ang ama ni Jehu. Si Jehu ang ama ni Azarias.