15Marami kang manggagawa: mga tagatabas ng bato, mga mason, mga karpintero at mga taong may kakayahan sa anumang gawaing
16ginto, pilak, tanso at bakal. Ngayon, simulan mo na ang pagpapagawa, at gabayan ka sana ng Panginoon.”
17Pagkatapos, inutusan ni David ang lahat ng pinuno ng Israel na tulungan ang anak niyang si Solomon.
18Sinabi niya sa kanila, “Kasama nʼyo ang Panginoon na inyong Diyos at binigyan niya kayo ng kapayapaan sa mga nakapalibot na mga bansa. Sapagkat ipinagkatiwala niya sa akin ang lahat ng naninirahan sa lupaing ito, at ngayon ay sa Panginoon na at tayong mga mamamayan niya ang may sakop sa mga ito.
19Kaya ngayon, italaga ninyo ang inyong sarili sa inyong Panginoong Diyos, nang buong pusoʼt kaluluwa. Simulan na ninyo ang pagtatayo ng Templo ng inyong Panginoong Diyos upang mailagay na ang Kahon ng Kasunduan at ang mga banal na kagamitan ng Diyos sa Templong ito na itatayo para sa karangalan ng pangalan ng Panginoon.”