1 Mga Cronica 22

Kaya ngayon, italaga ninyo ang inyong sarili sa inyong Panginoong Diyos, nang buong pusoʼt kaluluwa. Simulan na ninyo ang pagtatayo ng Templo ng inyong Panginoong Diyos upang mailagay na ang Kahon ng Kasunduan at ang mga banal na kagamitan ng Diyos sa Templong ito na itatayo para sa karangalan ng pangalan ng Panginoon.”

1 Chronicles 22:19 (UKJV) Now set your heart and your soul to seek the LORD your God; arise therefore, and build all of you the sanctuary of the LORD God, to bring the ark of the covenant of the LORD, and the holy vessels of God, into the house that is to be built to the name of the LORD.

17Pagkatapos, inutusan ni David ang lahat ng pinuno ng Israel na tulungan ang anak niyang si Solomon.

18Sinabi niya sa kanila, “Kasama nʼyo ang Panginoon na inyong Diyos at binigyan niya kayo ng kapayapaan sa mga nakapalibot na mga bansa. Sapagkat ipinagkatiwala niya sa akin ang lahat ng naninirahan sa lupaing ito, at ngayon ay sa Panginoon na at tayong mga mamamayan niya ang may sakop sa mga ito.

19Kaya ngayon, italaga ninyo ang inyong sarili sa inyong Panginoong Diyos, nang buong pusoʼt kaluluwa. Simulan na ninyo ang pagtatayo ng Templo ng inyong Panginoong Diyos upang mailagay na ang Kahon ng Kasunduan at ang mga banal na kagamitan ng Diyos sa Templong ito na itatayo para sa karangalan ng pangalan ng Panginoon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.