1 Mga Cronica 22

Sinabi niya sa kanila, “Kasama nʼyo ang Panginoon na inyong Diyos at binigyan niya kayo ng kapayapaan sa mga nakapalibot na mga bansa. Sapagkat ipinagkatiwala niya sa akin ang lahat ng naninirahan sa lupaing ito, at ngayon ay sa Panginoon na at tayong mga mamamayan niya ang may sakop sa mga ito.

1 Chronicles 22:18 (UKJV) Is not the LORD your God with you? and has he not given you rest on every side? for he has given the inhabitants of the land into mine hand; and the land is subdued before the LORD, and before his people.

16ginto, pilak, tanso at bakal. Ngayon, simulan mo na ang pagpapagawa, at gabayan ka sana ng Panginoon.”

17Pagkatapos, inutusan ni David ang lahat ng pinuno ng Israel na tulungan ang anak niyang si Solomon.

18Sinabi niya sa kanila, “Kasama nʼyo ang Panginoon na inyong Diyos at binigyan niya kayo ng kapayapaan sa mga nakapalibot na mga bansa. Sapagkat ipinagkatiwala niya sa akin ang lahat ng naninirahan sa lupaing ito, at ngayon ay sa Panginoon na at tayong mga mamamayan niya ang may sakop sa mga ito.

19Kaya ngayon, italaga ninyo ang inyong sarili sa inyong Panginoong Diyos, nang buong pusoʼt kaluluwa. Simulan na ninyo ang pagtatayo ng Templo ng inyong Panginoong Diyos upang mailagay na ang Kahon ng Kasunduan at ang mga banal na kagamitan ng Diyos sa Templong ito na itatayo para sa karangalan ng pangalan ng Panginoon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.