1 Mga Cronica 23

Sinabi ni David, “Binigyan tayo ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, ng kapayapaan at maninirahan siya sa Jerusalem magpakailanman.

1 Chronicles 23:25 (UKJV) For David said, The LORD God of Israel has given rest unto his people, that they may dwell in Jerusalem for ever:

23Si Musi ay may tatlong anak na lalaki na sina Mahli, Eder at Jeremot.

24Sila ang lahi ni Levi ayon sa mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Nakatala ang kani-kanilang mga pangalan. Ang bawat isa sa kanila ay dapat nasa edad dalawampu pataas upang makapaglingkod sa Templo ng Panginoon.

25Sinabi ni David, “Binigyan tayo ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, ng kapayapaan at maninirahan siya sa Jerusalem magpakailanman.

26Hindi na kailangang dalhin ng mga Levita ang Tolda at ang mga kagamitan nito.”

27Ayon sa huling utos ni David, ang lahat ng Levita na nasa edad dalawampu pataas ay itinala upang maglingkod.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.