1 Mga Cronica 23

Sila ang lahi ni Levi ayon sa mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Nakatala ang kani-kanilang mga pangalan. Ang bawat isa sa kanila ay dapat nasa edad dalawampu pataas upang makapaglingkod sa Templo ng Panginoon.

1 Chronicles 23:24 (UKJV) These were the sons of Levi after the house of their fathers; even the chief of the fathers, as they were counted by number of names by their polls, that did the work for the service of the house of the LORD, from the age of twenty years and upward.

22Namatay si Eleazar na walang anak na lalaki kundi puro babae. Silaʼy napangasawa ng kanilang mga pinsan na mga anak ni Kish.

23Si Musi ay may tatlong anak na lalaki na sina Mahli, Eder at Jeremot.

24Sila ang lahi ni Levi ayon sa mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Nakatala ang kani-kanilang mga pangalan. Ang bawat isa sa kanila ay dapat nasa edad dalawampu pataas upang makapaglingkod sa Templo ng Panginoon.

25Sinabi ni David, “Binigyan tayo ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, ng kapayapaan at maninirahan siya sa Jerusalem magpakailanman.

26Hindi na kailangang dalhin ng mga Levita ang Tolda at ang mga kagamitan nito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.