20Ang mga lalaking anak ni Uziel ay sina Micas na pinakapinuno ng kanilang pamilya, at Isaias ang pangalawa.
21Ang mga lalaking anak ni Merari ay sina Mahli at Musi. Ang mga lalaking anak ni Mahli ay sina Eleazar at Kish.
22Namatay si Eleazar na walang anak na lalaki kundi puro babae. Silaʼy napangasawa ng kanilang mga pinsan na mga anak ni Kish.
23Si Musi ay may tatlong anak na lalaki na sina Mahli, Eder at Jeremot.
24Sila ang lahi ni Levi ayon sa mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Nakatala ang kani-kanilang mga pangalan. Ang bawat isa sa kanila ay dapat nasa edad dalawampu pataas upang makapaglingkod sa Templo ng Panginoon.