1 Mga Cronica 25

Pumili si David at ang mga kumander ng mga sundalo mula sa mga anak ni Asaf, Heman at Jedutun upang ipahayag ang mensahe ng Diyos na tinutugtugan ng mga alpa, lira at pompyang. Ito ang talaan ng mga pangalan nila at gawain:

1 Chronicles 25:1 (UKJV) Moreover David and the captains of the host separated to the service of the sons of Asaph, and of Heman, and of Jeduthun, who should prophesy with harps, with psalteries, and with cymbals: and the number of the workmen according to their service was:

1Pumili si David at ang mga kumander ng mga sundalo mula sa mga anak ni Asaf, Heman at Jedutun upang ipahayag ang mensahe ng Diyos na tinutugtugan ng mga alpa, lira at pompyang. Ito ang talaan ng mga pangalan nila at gawain:

2Mula sa mga lalaking anak ni Asaf ay sina Zacur, Jose, Netanias at Asarela. Naglingkod sila sa ilalim ng pamamahala ng kanilang ama. Si Asaf ang nagpapahayag ng mensahe ng Diyos kung ipinag-uutos ito ng hari.

3Mula sa mga lalaking anak ni Jedutun ay sina Gedalias, Zeri, Jesaias, Hashabias, Matitias at Simei, anim silang lahat. Naglingkod din sila sa ilalim ng pamamahala ng ama nilang si Jedutun, na nagpahayag ng mensahe ng Diyos na tinutugtugan ng alpa, na may pasasalamat at papuri sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.