2Mula sa mga lalaking anak ni Asaf ay sina Zacur, Jose, Netanias at Asarela. Naglingkod sila sa ilalim ng pamamahala ng kanilang ama. Si Asaf ang nagpapahayag ng mensahe ng Diyos kung ipinag-uutos ito ng hari.
3Mula sa mga lalaking anak ni Jedutun ay sina Gedalias, Zeri, Jesaias, Hashabias, Matitias at Simei, anim silang lahat. Naglingkod din sila sa ilalim ng pamamahala ng ama nilang si Jedutun, na nagpahayag ng mensahe ng Diyos na tinutugtugan ng alpa, na may pasasalamat at papuri sa Panginoon.
4Mula sa mga lalaking anak ni Heman ay sina Bukias, Matanias, Uziel, Sebuel, Jerimot, Hananias, Hanani, Eliata, Gidalti, Romamti-ezer, Josbecasa, Maloti, Hotir at Mahaziot.
5Silang lahat ang mga lalaking anak ni Heman na propeta ng hari. Pinarangalan siya ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng labing-apat na anak na lalaki at tatlong anak na babae, ayon sa ipinangako ng Diyos sa kanya.
6Ang lahat ng mga lalaking ito ay pinamahalaan ng kanilang ama sa pagtugtog nila ng mga pompyang, lira at alpa bilang paglilingkod sa bahay ng Panginoon. Sina Asaf, Jedutun at Heman ay nasa ilalim ng pamamahala ng hari.