3Mula sa mga lalaking anak ni Jedutun ay sina Gedalias, Zeri, Jesaias, Hashabias, Matitias at Simei, anim silang lahat. Naglingkod din sila sa ilalim ng pamamahala ng ama nilang si Jedutun, na nagpahayag ng mensahe ng Diyos na tinutugtugan ng alpa, na may pasasalamat at papuri sa Panginoon.
4Mula sa mga lalaking anak ni Heman ay sina Bukias, Matanias, Uziel, Sebuel, Jerimot, Hananias, Hanani, Eliata, Gidalti, Romamti-ezer, Josbecasa, Maloti, Hotir at Mahaziot.
5Silang lahat ang mga lalaking anak ni Heman na propeta ng hari. Pinarangalan siya ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng labing-apat na anak na lalaki at tatlong anak na babae, ayon sa ipinangako ng Diyos sa kanya.
6Ang lahat ng mga lalaking ito ay pinamahalaan ng kanilang ama sa pagtugtog nila ng mga pompyang, lira at alpa bilang paglilingkod sa bahay ng Panginoon. Sina Asaf, Jedutun at Heman ay nasa ilalim ng pamamahala ng hari.
7Sila at ang mga kamag-anak nila, na 288 lahat ay mahuhusay na musikero para sa Panginoon.