9Nagalak ang mga tao sa mga pinuno nila dahil kusang-loob at taos-puso silang nagbigay para sa Panginoon. Labis din ang kagalakan ni Haring David.
10Pinuri ni David ang Panginoon sa harap ng mga tao. Sinabi niya, “O Panginoon, Diyos ng aming ninuno na si Jacob, sa inyo ang kapurihan magpakailanman!
11Sa inyo Panginoon ang kapangyarihan at kadakilaan ang kapurihan, katagumpayan at karangalan! Sapagkat sa inyo ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa. Kayo ang hari, O Panginoon, at higit kayo sa lahat!
12Sa inyo nagmumula ang kayamanan at karangalan. Kayo ang namamahala sa lahat ng bagay. Makapangyarihan kayo, at kayo ang nagpapalakas at nagbibigay kapangyarihan sa sinuman.
13Ngayon, O aming Diyos, pinasasalamatan namin kayo at pinupuri ang inyong kagalang-galang na pangalan.”