7Nagbigay sila para sa pagpapagawa ng templo ng Diyos ng 175 toneladang ginto, sampung libong perang ginto, 350 toneladang pilak, 630 toneladang tanso, at 3,500 toneladang bakal.
8May mga nagbigay din ng mga mamahaling bato, at itinabi ito sa bodega ng templo ng Panginoon na pinamamahalaan ni Jehiel na mula sa angkan ni Gerson.
9Nagalak ang mga tao sa mga pinuno nila dahil kusang-loob at taos-puso silang nagbigay para sa Panginoon. Labis din ang kagalakan ni Haring David.
10Pinuri ni David ang Panginoon sa harap ng mga tao. Sinabi niya, “O Panginoon, Diyos ng aming ninuno na si Jacob, sa inyo ang kapurihan magpakailanman!
11Sa inyo Panginoon ang kapangyarihan at kadakilaan ang kapurihan, katagumpayan at karangalan! Sapagkat sa inyo ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa. Kayo ang hari, O Panginoon, at higit kayo sa lahat!