1 Mga Cronica 29

May mga nagbigay din ng mga mamahaling bato, at itinabi ito sa bodega ng templo ng Panginoon na pinamamahalaan ni Jehiel na mula sa angkan ni Gerson.

1 Chronicles 29:8 (UKJV) And they with whom precious stones were found gave them to the treasure of the house of the LORD, by the hand of Jehiel the Gershonite.

6Pagkatapos, kusang-loob na nagbigay ang mga pinuno ng mga pamilya, mga pinuno ng mga lahi ng Israel, mga kumander ng libu-libo at daan-daang sundalo, at ang mga opisyal na itinalaga sa pamamahala ng mga ari-arian ng hari.

7Nagbigay sila para sa pagpapagawa ng templo ng Diyos ng 175 toneladang ginto, sampung libong perang ginto, 350 toneladang pilak, 630 toneladang tanso, at 3,500 toneladang bakal.

8May mga nagbigay din ng mga mamahaling bato, at itinabi ito sa bodega ng templo ng Panginoon na pinamamahalaan ni Jehiel na mula sa angkan ni Gerson.

9Nagalak ang mga tao sa mga pinuno nila dahil kusang-loob at taos-puso silang nagbigay para sa Panginoon. Labis din ang kagalakan ni Haring David.

10Pinuri ni David ang Panginoon sa harap ng mga tao. Sinabi niya, “O Panginoon, Diyos ng aming ninuno na si Jacob, sa inyo ang kapurihan magpakailanman!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.