1 Mga Cronica 29

Nagbigay sila para sa pagpapagawa ng templo ng Diyos ng 175 toneladang ginto, sampung libong perang ginto, 350 toneladang pilak, 630 toneladang tanso, at 3,500 toneladang bakal.

1 Chronicles 29:7 (UKJV) And gave for the service of the house of God of gold five thousand talents and ten thousand drams, and of silver ten thousand talents, and of brass eighteen thousand talents, and one hundred thousand talents of iron.

5at para sa mga gawaing nangangailangan ng ginto at pilak at sa lahat ng gagawin ng mga platero. Sino ngayon ang kusang-loob na magtatalaga ng kanilang sarili sa Panginoon?”

6Pagkatapos, kusang-loob na nagbigay ang mga pinuno ng mga pamilya, mga pinuno ng mga lahi ng Israel, mga kumander ng libu-libo at daan-daang sundalo, at ang mga opisyal na itinalaga sa pamamahala ng mga ari-arian ng hari.

7Nagbigay sila para sa pagpapagawa ng templo ng Diyos ng 175 toneladang ginto, sampung libong perang ginto, 350 toneladang pilak, 630 toneladang tanso, at 3,500 toneladang bakal.

8May mga nagbigay din ng mga mamahaling bato, at itinabi ito sa bodega ng templo ng Panginoon na pinamamahalaan ni Jehiel na mula sa angkan ni Gerson.

9Nagalak ang mga tao sa mga pinuno nila dahil kusang-loob at taos-puso silang nagbigay para sa Panginoon. Labis din ang kagalakan ni Haring David.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.