3At dahil sa kagustuhan kong maitayo ang Templo ng aking Diyos, ibibigay ko pati ang personal kong mga ginto at pilak, bukod pa ang mga materyales na naipon ko para sa banal na Templo.
4Magbibigay ako ng mahigit isandaang toneladang ginto mula sa Ofir, at 250 toneladang pilak. Ito ay gagamiting pantapal sa mga dingding ng Templo,
5at para sa mga gawaing nangangailangan ng ginto at pilak at sa lahat ng gagawin ng mga platero. Sino ngayon ang kusang-loob na magtatalaga ng kanilang sarili sa Panginoon?”
6Pagkatapos, kusang-loob na nagbigay ang mga pinuno ng mga pamilya, mga pinuno ng mga lahi ng Israel, mga kumander ng libu-libo at daan-daang sundalo, at ang mga opisyal na itinalaga sa pamamahala ng mga ari-arian ng hari.
7Nagbigay sila para sa pagpapagawa ng templo ng Diyos ng 175 toneladang ginto, sampung libong perang ginto, 350 toneladang pilak, 630 toneladang tanso, at 3,500 toneladang bakal.