19Tulungan nʼyo rin po ang anak kong si Solomon na lalong maging tapat sa pagsunod sa inyong mga utos, katuruan at mga tuntunin, at sa paggawa ng lahat ng ipinatutupad ninyo tungkol sa pagpapatayo ng templo na aking inihanda.”
20Pagkatapos, sinabi ni David sa lahat ng tao, “Purihin nʼyo ang Panginoon na inyong Diyos.” Kaya pinuri nila ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno. Yumukod sila at nagpatirapa bilang pagpaparangal sa Panginoon at sa kanilang hari.
21Nang sumunod na araw, nag-alay sila sa Panginoon ng mga handog na sinusunog: isang libong toro, isang libong lalaking tupa at isang libong batang tupa. Nag-alay din sila ng mga handog na inumin at iba pang mga handog para sa mga Israelita.
22Masaya silang nagkainan at nag-inuman sa presensya ng Panginoon nang araw na iyon. Muli, idineklara nilang hari si Solomon na anak ni David. Binuhusan si Solomon ng langis sa presensya ng Panginoon bilang hari, at binuhusan din ng langis si Sadoc bilang pari.
23Kaya umupo si Solomon sa trono ng Panginoon bilang hari, kapalit ng ama niyang si David. Naging maunlad si Solomon, at sumunod sa kanya ang buong Israel.