1 Mga Cronica 29

Kaya umupo si Solomon sa trono ng Panginoon bilang hari, kapalit ng ama niyang si David. Naging maunlad si Solomon, at sumunod sa kanya ang buong Israel.

1 Chronicles 29:23 (UKJV) Then Solomon sat on the throne of the LORD as king instead of David his father, and prospered; and all Israel obeyed him.

21Nang sumunod na araw, nag-alay sila sa Panginoon ng mga handog na sinusunog: isang libong toro, isang libong lalaking tupa at isang libong batang tupa. Nag-alay din sila ng mga handog na inumin at iba pang mga handog para sa mga Israelita.

22Masaya silang nagkainan at nag-inuman sa presensya ng Panginoon nang araw na iyon. Muli, idineklara nilang hari si Solomon na anak ni David. Binuhusan si Solomon ng langis sa presensya ng Panginoon bilang hari, at binuhusan din ng langis si Sadoc bilang pari.

23Kaya umupo si Solomon sa trono ng Panginoon bilang hari, kapalit ng ama niyang si David. Naging maunlad si Solomon, at sumunod sa kanya ang buong Israel.

24Nangako ang lahat ng opisyal, ang mga makapangyarihang tao, at ang lahat ng anak na lalaki ni Haring David na magpapasakop sila kay Haring Solomon.

25Niloob ng Panginoon na maging tanyag si Solomon sa buong Israel at binigyan ng karangalang hindi nakamit ng ibang hari sa Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.