23Kaya umupo si Solomon sa trono ng Panginoon bilang hari, kapalit ng ama niyang si David. Naging maunlad si Solomon, at sumunod sa kanya ang buong Israel.
24Nangako ang lahat ng opisyal, ang mga makapangyarihang tao, at ang lahat ng anak na lalaki ni Haring David na magpapasakop sila kay Haring Solomon.
25Niloob ng Panginoon na maging tanyag si Solomon sa buong Israel at binigyan ng karangalang hindi nakamit ng ibang hari sa Israel.
26Naghari si David na anak ni Jesse sa buong Israel.
27Ang kabuuan ng kanyang paghahari ay apatnapung taon, pitong taon sa Hebron at tatlumpuʼt tatlong taon sa Jerusalem.