1 Mga Cronica 29

Masaya silang nagkainan at nag-inuman sa presensya ng Panginoon nang araw na iyon. Muli, idineklara nilang hari si Solomon na anak ni David. Binuhusan si Solomon ng langis sa presensya ng Panginoon bilang hari, at binuhusan din ng langis si Sadoc bilang pari.

1 Chronicles 29:22 (UKJV) And did eat and drink before the LORD on that day with great gladness. And they made Solomon the son of David king the second time, and anointed him unto the LORD to be the chief governor, and Zadok to be priest.

20Pagkatapos, sinabi ni David sa lahat ng tao, “Purihin nʼyo ang Panginoon na inyong Diyos.” Kaya pinuri nila ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno. Yumukod sila at nagpatirapa bilang pagpaparangal sa Panginoon at sa kanilang hari.

21Nang sumunod na araw, nag-alay sila sa Panginoon ng mga handog na sinusunog: isang libong toro, isang libong lalaking tupa at isang libong batang tupa. Nag-alay din sila ng mga handog na inumin at iba pang mga handog para sa mga Israelita.

22Masaya silang nagkainan at nag-inuman sa presensya ng Panginoon nang araw na iyon. Muli, idineklara nilang hari si Solomon na anak ni David. Binuhusan si Solomon ng langis sa presensya ng Panginoon bilang hari, at binuhusan din ng langis si Sadoc bilang pari.

23Kaya umupo si Solomon sa trono ng Panginoon bilang hari, kapalit ng ama niyang si David. Naging maunlad si Solomon, at sumunod sa kanya ang buong Israel.

24Nangako ang lahat ng opisyal, ang mga makapangyarihang tao, at ang lahat ng anak na lalaki ni Haring David na magpapasakop sila kay Haring Solomon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.