13Ang mga lalaking anak ni Kenaz ay sina Otniel at Seraias. Ang mga anak ni Otniel ay sina Hatat at Meonotai.
14Si Meonotai ang ama ni Ofra. Si Seraias naman ang ama ni Joab, na nagtatag ng Lambak ng mga Panday. Tinawag itong Lambak ng mga Panday dahil doon nakatira ang maraming panday.
15Ang mga lalaking anak ni Caleb na anak ni Jefune ay sina Iru, Ela at Naam. Ang lalaking anak ni Ela ay si Kenaz.
16Ang mga lalaking anak ni Jehalelel ay sina Zif, Sifa, Tirias at Asarel.
17Ang mga anak na lalaki ni Ezra ay sina Jeter, Mered, Efer at Jalon. Asawa ni Mered si Bitia na anak ng Faraon. Ang mga anak nila ay sina Miriam, Samai at Isba. Si Isba ang ama ni Estemoa. May asawa rin si Mered na taga-Juda, at ang mga anak nila ay sina Jered na ama ni Gedor, Heber na ama ni Soco, at Jecutiel na ama ni Zanoa.