15Ang mga lalaking anak ni Caleb na anak ni Jefune ay sina Iru, Ela at Naam. Ang lalaking anak ni Ela ay si Kenaz.
16Ang mga lalaking anak ni Jehalelel ay sina Zif, Sifa, Tirias at Asarel.
17Ang mga anak na lalaki ni Ezra ay sina Jeter, Mered, Efer at Jalon. Asawa ni Mered si Bitia na anak ng Faraon. Ang mga anak nila ay sina Miriam, Samai at Isba. Si Isba ang ama ni Estemoa. May asawa rin si Mered na taga-Juda, at ang mga anak nila ay sina Jered na ama ni Gedor, Heber na ama ni Soco, at Jecutiel na ama ni Zanoa.
19Napangasawa ni Hodias ang kapatid ni Naham. Ang isa sa mga anak niya ay ama ni Keila na Garmita, at ang isa naman ay ama ni Estemoa na Maacateo.