1 Mga Cronica 4

Napangasawa ni Hodias ang kapatid ni Naham. Ang isa sa mga anak niya ay ama ni Keila na Garmita, at ang isa naman ay ama ni Estemoa na Maacateo.

1 Chronicles 4:19 (UKJV) And the sons of his wife Hodiah the sister of Naham, the father of Keilah the Garmite, and Eshtemoa the Maachathite.

17Ang mga anak na lalaki ni Ezra ay sina Jeter, Mered, Efer at Jalon. Asawa ni Mered si Bitia na anak ng Faraon. Ang mga anak nila ay sina Miriam, Samai at Isba. Si Isba ang ama ni Estemoa. May asawa rin si Mered na taga-Juda, at ang mga anak nila ay sina Jered na ama ni Gedor, Heber na ama ni Soco, at Jecutiel na ama ni Zanoa.

19Napangasawa ni Hodias ang kapatid ni Naham. Ang isa sa mga anak niya ay ama ni Keila na Garmita, at ang isa naman ay ama ni Estemoa na Maacateo.

20Ang mga lalaking anak ni Simon ay sina Amnon, Rina, Benhanan at Tilon. Ang mga angkan ni Isi ay sina Zohet at Ben-zohet.

21Ang mga anak ni Shela na isa sa mga anak ni Juda ay sina Er (na ama ni Leca) at Laada (na ama ni Maresa), at ang mga angkan ng mga tagagawa ng pinong lino sa Bet-asbea.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.